Isang katamaran ang dahilan kung bakit uuwi sanang mukhang basang sisiw si Rain, buti na lang at may isang good samaritan na dumating sa buhay niya at pinayungan siya. Kapangalan niya pa at kaparehas niya ng birthmark. Parang pinagplanuhan talaga ni Tadhana ang lahat. Handa na si Rain mag-ilusyon sa hinaharap nilang dalawa...pero gaano katagal ang ibubuhos ng ulan para magkasama silang dalawa?
|
Koleksyon ng mga maiikling istoryang isang upuan; isang lagukan lang. Hindi uber haba, hindi uber drama (depende), personal iyong iba; 'yung iba nakaka-inspire; nakakaaliw; nakakabaliw; nakakagigil. Basta ayun.
|
Isa si Varie sa mga kababaihang hindi pinangarap ang magka-pamilya. Kontento na siya sa tahimik niyang buhay at unlimited freedom sa araw-araw, kaso itong kaibigan niyang si Lily ayaw siyang tantanan sa buhay pag-ibig niyang non-existent; 'yong ex niya talagang inimbitahan pa siya sa kasal na parang maayos silang naghiwalay. At itong kompanya nila, may pa-libreng ticket sa isang dating company na may listahan ng bachelors sa buong mundo.
Nagtugma na ang bituin at hinila na siya ni Tadhana para jumowa at talikuran ang pananampalataya niyang magpaka-dalaga until death. |
Hi! I'm Geomet. Manunulat. Minsan makata. Madalas hindi ko alam anong sinusulat ko. Lahat ng istorya ay hindi edited kaya asahan ang basura. Sinubukan mag-edit pero nabagot kaya pinabayaan na lang. Laging lutang kaya 'wag na magtaka kung bakit, paano, ano ang sinusulat ko.